Daniel 1

Ngunit sinabi ni tagapangasiwa kay Daniel, “Natatakot ako sa hari. Siya ang pumili kung ano ang kakainin at iinumin ninyo, at kung makita niyang hindi kayo malusog gaya ng ibang mga kabataan, baka ipapatay niya ako.”

Daniel 1:10 (UKJV) And the prince of the eunuchs said unto Daniel, I fear my lord the king, who has appointed your food and your drink: for why should he see your faces worse looking than the children which are of your sort? then shall all of you make me endanger my head to the king.

8Ngunit ipinasya ni Daniel na hindi siya kakain ng pagkain o iinom ng inumin na galing sa hari upang hindi siya marumihan. Kaya nakiusap siya sa punong tagapangasiwa na payagan siyang huwag bigyan ng pagkain at inuming iyon.

9Niloob naman ng Diyos na panigan si Daniel ng punong tagapangasiwa ng palasyo.

10Ngunit sinabi ni tagapangasiwa kay Daniel, “Natatakot ako sa hari. Siya ang pumili kung ano ang kakainin at iinumin ninyo, at kung makita niyang hindi kayo malusog gaya ng ibang mga kabataan, baka ipapatay niya ako.”

11Dahil dito, nakiusap si Daniel sa itinalaga ni Aspenaz na tagapangasiwa nila Daniel, Hananias, Misael at Azarias,

12“Subukan nʼyo po kaming pakainin lang ng gulay at painumin ng tubig sa loob ng sampung araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.