7Pinalitan ng punong tagapangasiwa ang kanilang mga pangalan. Si Daniel ay pinangalanang Beltesazar, si Hananias ay Shadrac, si Misael ay Meshac, at si Azarias ay Abednego.
8Ngunit ipinasya ni Daniel na hindi siya kakain ng pagkain o iinom ng inumin na galing sa hari upang hindi siya marumihan. Kaya nakiusap siya sa punong tagapangasiwa na payagan siyang huwag bigyan ng pagkain at inuming iyon.
9Niloob naman ng Diyos na panigan si Daniel ng punong tagapangasiwa ng palasyo.
10Ngunit sinabi ni tagapangasiwa kay Daniel, “Natatakot ako sa hari. Siya ang pumili kung ano ang kakainin at iinumin ninyo, at kung makita niyang hindi kayo malusog gaya ng ibang mga kabataan, baka ipapatay niya ako.”
11Dahil dito, nakiusap si Daniel sa itinalaga ni Aspenaz na tagapangasiwa nila Daniel, Hananias, Misael at Azarias,