Daniel 1

Ibinigay ng Panginoon sa kanyang kamay si Haring Jehoiakim ng Juda, kasama ang ilang kagamitan sa templo ng Diyos. Dinala ni Haring Nebucadnezar ang mga ito sa Babilonia at inilagay sa taguan ng kayamanan doon sa templo ng kanyang diyos.

Daniel 1:2 (UKJV) And the Lord gave Jehoiakim king of Judah into his hand, with part of the vessels of the house of God: which he carried into the land of Shinar to the house of his god; and he brought the vessels into the treasure house of his god.

1Nang ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim sa Juda, sinalakay ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia at ng kanyang mga kawal ang Jerusalem.

2Ibinigay ng Panginoon sa kanyang kamay si Haring Jehoiakim ng Juda, kasama ang ilang kagamitan sa templo ng Diyos. Dinala ni Haring Nebucadnezar ang mga ito sa Babilonia at inilagay sa taguan ng kayamanan doon sa templo ng kanyang diyos.

3Inutos ni Haring Nebucadnezar kay Aspenaz, ang punong opisyal ng palasyo niya, na pumili sa mga bihag na Israelita ng ilang kabataang mula sa angkan ng mga hari at angkan ng mga maharlika.

4Kinakailangan na ang mga ito ay makisig, malusog, matalino, mabilis kumilos at madaling turuan upang maging karapat-dapat maglingkod sa hari. Inutusan din niya si Aspenaz na turuan sila ng wika at mga panitikan ng mga taga-Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.