Daniel 1

Kinakailangan na ang mga ito ay makisig, malusog, matalino, mabilis kumilos at madaling turuan upang maging karapat-dapat maglingkod sa hari. Inutusan din niya si Aspenaz na turuan sila ng wika at mga panitikan ng mga taga-Babilonia.

Daniel 1:4 (UKJV) Children in whom was no blemish, but well favoured, and skilful in all wisdom, and cunning in knowledge, and understanding science, and such as had ability in them to stand in the king's palace, and whom they might teach the learning and the tongue of the Chaldeans.

2Ibinigay ng Panginoon sa kanyang kamay si Haring Jehoiakim ng Juda, kasama ang ilang kagamitan sa templo ng Diyos. Dinala ni Haring Nebucadnezar ang mga ito sa Babilonia at inilagay sa taguan ng kayamanan doon sa templo ng kanyang diyos.

3Inutos ni Haring Nebucadnezar kay Aspenaz, ang punong opisyal ng palasyo niya, na pumili sa mga bihag na Israelita ng ilang kabataang mula sa angkan ng mga hari at angkan ng mga maharlika.

4Kinakailangan na ang mga ito ay makisig, malusog, matalino, mabilis kumilos at madaling turuan upang maging karapat-dapat maglingkod sa hari. Inutusan din niya si Aspenaz na turuan sila ng wika at mga panitikan ng mga taga-Babilonia.

5Iniutos din ng hari na mula sa kanyang sariling pagkain at inumin ang ibibigay sa kanila araw-araw. At pagkatapos ng tatlong taong pagsasanay, maglilingkod na sila sa kanya.

6Kabilang sa mga napili ay sina Daniel, Hananias, Misael, at Azarias na pawang mula sa lahi ni Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.