4Kinakailangan na ang mga ito ay makisig, malusog, matalino, mabilis kumilos at madaling turuan upang maging karapat-dapat maglingkod sa hari. Inutusan din niya si Aspenaz na turuan sila ng wika at mga panitikan ng mga taga-Babilonia.
5Iniutos din ng hari na mula sa kanyang sariling pagkain at inumin ang ibibigay sa kanila araw-araw. At pagkatapos ng tatlong taong pagsasanay, maglilingkod na sila sa kanya.
6Kabilang sa mga napili ay sina Daniel, Hananias, Misael, at Azarias na pawang mula sa lahi ni Juda.
7Pinalitan ng punong tagapangasiwa ang kanilang mga pangalan. Si Daniel ay pinangalanang Beltesazar, si Hananias ay Shadrac, si Misael ay Meshac, at si Azarias ay Abednego.
8Ngunit ipinasya ni Daniel na hindi siya kakain ng pagkain o iinom ng inumin na galing sa hari upang hindi siya marumihan. Kaya nakiusap siya sa punong tagapangasiwa na payagan siyang huwag bigyan ng pagkain at inuming iyon.