Daniel 1

Iniutos din ng hari na mula sa kanyang sariling pagkain at inumin ang ibibigay sa kanila araw-araw. At pagkatapos ng tatlong taong pagsasanay, maglilingkod na sila sa kanya.

Daniel 1:5 (UKJV) And the king appointed them a daily provision of the king's food, and of the wine which he drank: so nourishing them three years, that at the end thereof they might stand before the king.

3Inutos ni Haring Nebucadnezar kay Aspenaz, ang punong opisyal ng palasyo niya, na pumili sa mga bihag na Israelita ng ilang kabataang mula sa angkan ng mga hari at angkan ng mga maharlika.

4Kinakailangan na ang mga ito ay makisig, malusog, matalino, mabilis kumilos at madaling turuan upang maging karapat-dapat maglingkod sa hari. Inutusan din niya si Aspenaz na turuan sila ng wika at mga panitikan ng mga taga-Babilonia.

5Iniutos din ng hari na mula sa kanyang sariling pagkain at inumin ang ibibigay sa kanila araw-araw. At pagkatapos ng tatlong taong pagsasanay, maglilingkod na sila sa kanya.

6Kabilang sa mga napili ay sina Daniel, Hananias, Misael, at Azarias na pawang mula sa lahi ni Juda.

7Pinalitan ng punong tagapangasiwa ang kanilang mga pangalan. Si Daniel ay pinangalanang Beltesazar, si Hananias ay Shadrac, si Misael ay Meshac, at si Azarias ay Abednego.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.