Daniel 11

“Ang haring papalit sa kanya ay mag-uutos sa isang opisyal na sapilitang maniningil ng buwis upang madagdagan ang kayamanan ng kaharian niya. Ngunit hindi magtatagal ay mamamatay ang haring ito, hindi dahil sa labanan o sa mayroong galit sa kanya.

Daniel 11:20 (UKJV) Then shall stand up in his estate a raiser of taxes in the glory of the kingdom: but within few days he shall be destroyed, neither in anger, nor in battle.

18Kaya ang mga bayan na lang muna sa tabing-dagat ang kanyang lulusubin at marami ang kanyang masasakop. Ngunit patitigilin ng isang pinuno ang kanyang pagpapahiya sa iba, at siya mismo ang mapapahiya.

19Kaya uuwi siya sa mga tanggulan ng kanyang bayan. Ngunit matatalo siya, at iyon ang magiging wakas niya.

20“Ang haring papalit sa kanya ay mag-uutos sa isang opisyal na sapilitang maniningil ng buwis upang madagdagan ang kayamanan ng kaharian niya. Ngunit hindi magtatagal ay mamamatay ang haring ito, hindi dahil sa labanan o sa mayroong galit sa kanya.

21“Ang papalit sa kanya bilang hari ay taong hindi marangal at walang karapatang maging hari. Sa hindi inaasahan ng mga tao, bigla niyang sasakupin ang kaharian sa pamamagitan ng pandaraya.

22Maraming kalabang sundalo ang kanyang papatayin, pati na ang punong pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.