Daniel 3

Hindi baʼt nag-utos po ang Mahal na Hari na ang sinumang makarinig ng tunog ng mga instrumento ay dapat lumuhod at sumamba sa gintong rebulto,

Daniel 3:10 (UKJV) You, O king, have made a decree, that every man that shall hear the sound of the cornet, flute, harp, sackbut, psaltery, and dulcimer, and all kinds of music, shall fall down and worship the golden image:

8Nang panahong iyon, may ilang taga-Babilonia na lumapit sa hari at pinaratangan nila ang mga Hudyo.

9Sinabi nila kay Haring Nebucadnezar, “Nawaʼy humaba pa ang inyong buhay, Mahal na Hari!

10Hindi baʼt nag-utos po ang Mahal na Hari na ang sinumang makarinig ng tunog ng mga instrumento ay dapat lumuhod at sumamba sa gintong rebulto,

11at ang hindi sasamba ay itatapon sa naglalagablab na hurno?

12Ngunit may ilang mga Hudyo hindi sumusunod sa inyong utos, Mahal na Hari. Sila po ay sina Shadrac, Meshac, at Abednego. Sila ang mga taong pinamamahala ninyo sa lalawigan ng Babilonia. Hindi nila iginagalang ang inyong mga diyos, at hindi sila sumasamba sa gintong rebulto na ipinatayo ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.