Daniel 3

Ngunit may ilang mga Hudyo hindi sumusunod sa inyong utos, Mahal na Hari. Sila po ay sina Shadrac, Meshac, at Abednego. Sila ang mga taong pinamamahala ninyo sa lalawigan ng Babilonia. Hindi nila iginagalang ang inyong mga diyos, at hindi sila sumasamba sa gintong rebulto na ipinatayo ninyo.”

Daniel 3:12 (UKJV) There are certain Jews whom you have set over the affairs of the province of Babylon, Shadrach, Meshach, and Abednego; these men, O king, have not regarded you: they serve not your gods, nor worship the golden image which you have set up.

10Hindi baʼt nag-utos po ang Mahal na Hari na ang sinumang makarinig ng tunog ng mga instrumento ay dapat lumuhod at sumamba sa gintong rebulto,

11at ang hindi sasamba ay itatapon sa naglalagablab na hurno?

12Ngunit may ilang mga Hudyo hindi sumusunod sa inyong utos, Mahal na Hari. Sila po ay sina Shadrac, Meshac, at Abednego. Sila ang mga taong pinamamahala ninyo sa lalawigan ng Babilonia. Hindi nila iginagalang ang inyong mga diyos, at hindi sila sumasamba sa gintong rebulto na ipinatayo ninyo.”

13Nang marinig iyon ng hari, nagalit siya nang husto. Kaya ipinatawag ni Nebucadnezar sina Shadrac, Meshac, at Abednego.

14Nang dumating sila, tinanong sila ni Nebucadnezar, “Totoo ba, Shadrac, Meshac at Abednego na hindi ninyo iginagalang ang aking mga diyos at hindi kayo sumasamba sa rebultong ginto na ipinatayo ko?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.