11at ang hindi sasamba ay itatapon sa naglalagablab na hurno?
12Ngunit may ilang mga Hudyo hindi sumusunod sa inyong utos, Mahal na Hari. Sila po ay sina Shadrac, Meshac, at Abednego. Sila ang mga taong pinamamahala ninyo sa lalawigan ng Babilonia. Hindi nila iginagalang ang inyong mga diyos, at hindi sila sumasamba sa gintong rebulto na ipinatayo ninyo.”
13Nang marinig iyon ng hari, nagalit siya nang husto. Kaya ipinatawag ni Nebucadnezar sina Shadrac, Meshac, at Abednego.
14Nang dumating sila, tinanong sila ni Nebucadnezar, “Totoo ba, Shadrac, Meshac at Abednego na hindi ninyo iginagalang ang aking mga diyos at hindi kayo sumasamba sa rebultong ginto na ipinatayo ko?
15Ngayon, inuutusan ko kayong sumamba sa rebulto kapag narinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Dahil kung hindi, ipapatapon ko kayo sa naglalagablab na hurno. Tingnan natin kung may diyos na makakapagligtas sa inyo.”