Daniel 3

Ngayon, inuutusan ko kayong sumamba sa rebulto kapag narinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Dahil kung hindi, ipapatapon ko kayo sa naglalagablab na hurno. Tingnan natin kung may diyos na makakapagligtas sa inyo.”

Daniel 3:15 (UKJV) Now if all of you be ready that at what time all of you hear the sound of the cornet, flute, harp, sackbut, psaltery, and dulcimer, and all kinds of music, all of you fall down and worship the image which I have made; well: but if all of you worship not, all of you shall be cast the same hour into the midst of a burning fiery furnace; and who is that God that shall deliver you out of my hands?

13Nang marinig iyon ng hari, nagalit siya nang husto. Kaya ipinatawag ni Nebucadnezar sina Shadrac, Meshac, at Abednego.

14Nang dumating sila, tinanong sila ni Nebucadnezar, “Totoo ba, Shadrac, Meshac at Abednego na hindi ninyo iginagalang ang aking mga diyos at hindi kayo sumasamba sa rebultong ginto na ipinatayo ko?

15Ngayon, inuutusan ko kayong sumamba sa rebulto kapag narinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Dahil kung hindi, ipapatapon ko kayo sa naglalagablab na hurno. Tingnan natin kung may diyos na makakapagligtas sa inyo.”

16Sumagot sina Shadrac, Meshac at Abednego, “Mahal na Haring Nebucadnezar, hindi po namin kailangang ipagtanggol ang aming mga sarili sa inyo tungkol sa bagay na ito.

17Kung talaga pong ganyan ang mangyayari, ililigtas kami ng Diyos na aming pinaglilingkuran mula sa naglalagablab na hurno. Ililigtas niya kami mula sa mga kamay ng Mahal na Hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.