15Ngayon, inuutusan ko kayong sumamba sa rebulto kapag narinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Dahil kung hindi, ipapatapon ko kayo sa naglalagablab na hurno. Tingnan natin kung may diyos na makakapagligtas sa inyo.”
16Sumagot sina Shadrac, Meshac at Abednego, “Mahal na Haring Nebucadnezar, hindi po namin kailangang ipagtanggol ang aming mga sarili sa inyo tungkol sa bagay na ito.
17Kung talaga pong ganyan ang mangyayari, ililigtas kami ng Diyos na aming pinaglilingkuran mula sa naglalagablab na hurno. Ililigtas niya kami mula sa mga kamay ng Mahal na Hari.
18Ngunit kung hindi man niya kami iligtas, gusto naming malaman ninyo Mahal na Hari, na hindi pa rin kami maglilingkod sa iyong mga diyos o sasamba sa rebultong ginto na inyong ipinatayo.”
19Dahil sa sagot nilang iyon, lalo pang nagalit si Nebucadnezar kina Shadrac, Meshac at Abednego, at kitang-kita ito sa kanyang mukha. Kaya iniutos niyang painitin pa ang hurno ng pitong ulit.