Daniel 3

Dahil sa sagot nilang iyon, lalo pang nagalit si Nebucadnezar kina Shadrac, Meshac at Abednego, at kitang-kita ito sa kanyang mukha. Kaya iniutos niyang painitin pa ang hurno ng pitong ulit.

Daniel 3:19 (UKJV) Then was Nebuchadnezzar full of fury, and the form of his visage was changed against Shadrach, Meshach, and Abednego: therefore he spoke, and commanded that they should heat the furnace one seven times more than it was known to be heated.

17Kung talaga pong ganyan ang mangyayari, ililigtas kami ng Diyos na aming pinaglilingkuran mula sa naglalagablab na hurno. Ililigtas niya kami mula sa mga kamay ng Mahal na Hari.

18Ngunit kung hindi man niya kami iligtas, gusto naming malaman ninyo Mahal na Hari, na hindi pa rin kami maglilingkod sa iyong mga diyos o sasamba sa rebultong ginto na inyong ipinatayo.”

19Dahil sa sagot nilang iyon, lalo pang nagalit si Nebucadnezar kina Shadrac, Meshac at Abednego, at kitang-kita ito sa kanyang mukha. Kaya iniutos niyang painitin pa ang hurno ng pitong ulit.

20Pagkatapos ay inutusan niya ang kanyang pinakamalalakas na sundalo na gapusin sina Shadrac, Meshac at Abednego, at itapon sa naglalagablab na hurno.

21Kaya iginapos sila ng mga sundalo at itinapon sa hurno nang hindi inaalis ang kanilang mga damit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.