18Ngunit kung hindi man niya kami iligtas, gusto naming malaman ninyo Mahal na Hari, na hindi pa rin kami maglilingkod sa iyong mga diyos o sasamba sa rebultong ginto na inyong ipinatayo.”
19Dahil sa sagot nilang iyon, lalo pang nagalit si Nebucadnezar kina Shadrac, Meshac at Abednego, at kitang-kita ito sa kanyang mukha. Kaya iniutos niyang painitin pa ang hurno ng pitong ulit.
20Pagkatapos ay inutusan niya ang kanyang pinakamalalakas na sundalo na gapusin sina Shadrac, Meshac at Abednego, at itapon sa naglalagablab na hurno.
21Kaya iginapos sila ng mga sundalo at itinapon sa hurno nang hindi inaalis ang kanilang mga damit.
22Dahil sa pinainit pang lalo ng hari ang hurno, namatay ang mga sundalong nagtapon kina Shadrac, Meshac at Abednego dahil sa lagablab ng apoy.