Daniel 3

Dahil sa pinainit pang lalo ng hari ang hurno, namatay ang mga sundalong nagtapon kina Shadrac, Meshac at Abednego dahil sa lagablab ng apoy.

Daniel 3:22 (UKJV) Therefore because the king's commandment was urgent, and the furnace exceeding hot, the flames of the fire slew those men that took up Shadrach, Meshach, and Abednego.

20Pagkatapos ay inutusan niya ang kanyang pinakamalalakas na sundalo na gapusin sina Shadrac, Meshac at Abednego, at itapon sa naglalagablab na hurno.

21Kaya iginapos sila ng mga sundalo at itinapon sa hurno nang hindi inaalis ang kanilang mga damit.

22Dahil sa pinainit pang lalo ng hari ang hurno, namatay ang mga sundalong nagtapon kina Shadrac, Meshac at Abednego dahil sa lagablab ng apoy.

23At silang tatlo, sina Shadrac, Meshac at Abednego, na nakagapos ay bumagsak sa naglalagablab na hurno.

24Habang nakatingin si Haring Nebucadnezar bigla siyang tumayo sa laki ng kanyang pagkamangha. Tinanong niya ang kanyang mga opisyal, “Hindi baʼt tatlo lang ang itinapon sa apoy?” Sumagot sila, “Opo, Mahal na Hari.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.