Daniel 3

Nang dumating sila, tinanong sila ni Nebucadnezar, “Totoo ba, Shadrac, Meshac at Abednego na hindi ninyo iginagalang ang aking mga diyos at hindi kayo sumasamba sa rebultong ginto na ipinatayo ko?

Daniel 3:14 (UKJV) Nebuchadnezzar spoke and said unto them, Is it true, O Shadrach, Meshach, and Abednego, do not all of you serve my gods, nor worship the golden image which I have set up?

12Ngunit may ilang mga Hudyo hindi sumusunod sa inyong utos, Mahal na Hari. Sila po ay sina Shadrac, Meshac, at Abednego. Sila ang mga taong pinamamahala ninyo sa lalawigan ng Babilonia. Hindi nila iginagalang ang inyong mga diyos, at hindi sila sumasamba sa gintong rebulto na ipinatayo ninyo.”

13Nang marinig iyon ng hari, nagalit siya nang husto. Kaya ipinatawag ni Nebucadnezar sina Shadrac, Meshac, at Abednego.

14Nang dumating sila, tinanong sila ni Nebucadnezar, “Totoo ba, Shadrac, Meshac at Abednego na hindi ninyo iginagalang ang aking mga diyos at hindi kayo sumasamba sa rebultong ginto na ipinatayo ko?

15Ngayon, inuutusan ko kayong sumamba sa rebulto kapag narinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Dahil kung hindi, ipapatapon ko kayo sa naglalagablab na hurno. Tingnan natin kung may diyos na makakapagligtas sa inyo.”

16Sumagot sina Shadrac, Meshac at Abednego, “Mahal na Haring Nebucadnezar, hindi po namin kailangang ipagtanggol ang aming mga sarili sa inyo tungkol sa bagay na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.