6Ang sinumang hindi sumamba ay agad na itatapon sa naglalagablab na hurno.”
7Kaya nang marinig nila ang tunog ng tambuli, plauta, kudyapi, alpa, at iba pang instrumento, ang lahat ng mga tao mula sa ibaʼt ibang lahi at wika ay lumuhod at sumamba sa rebultong ginto na itinayo ni Haring Nebucadnezar.
8Nang panahong iyon, may ilang taga-Babilonia na lumapit sa hari at pinaratangan nila ang mga Hudyo.
9Sinabi nila kay Haring Nebucadnezar, “Nawaʼy humaba pa ang inyong buhay, Mahal na Hari!
10Hindi baʼt nag-utos po ang Mahal na Hari na ang sinumang makarinig ng tunog ng mga instrumento ay dapat lumuhod at sumamba sa gintong rebulto,