4At sumigaw ang tagapagbalita, “Kayong mga nanggaling sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika,
5kapag narinig ninyo ang tunog ng tambuli, plauta, kudyapi, alpa, at iba pang mga instrumento, lumuhod kayo agad at sumamba sa rebultong itinayo ni Haring Nebucadnezar.
6Ang sinumang hindi sumamba ay agad na itatapon sa naglalagablab na hurno.”
7Kaya nang marinig nila ang tunog ng tambuli, plauta, kudyapi, alpa, at iba pang instrumento, ang lahat ng mga tao mula sa ibaʼt ibang lahi at wika ay lumuhod at sumamba sa rebultong ginto na itinayo ni Haring Nebucadnezar.
8Nang panahong iyon, may ilang taga-Babilonia na lumapit sa hari at pinaratangan nila ang mga Hudyo.