Daniel 3

At sumigaw ang tagapagbalita, “Kayong mga nanggaling sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika,

Daniel 3:4 (UKJV) Then an herald cried aloud, To you it is commanded, O people, nations, and languages,

2Pagkatapos, ipinatawag ni Haring Nebucadnezar ang mga gobernador, mga alkalde, mga komisyoner, mga tagapayo, mga ingat-yaman, mga hukom, at iba pang mga opisyal ng lalawigan upang dumalo sa pagtatalaga ng nasabing rebulto.

3Kaya ang mga gobernador, mga alkalde, mga komisyoner, mga tagapayo, mga ingat-yaman, mga hukom, at iba pang mga opisyal ng lalawigan ay nagtipon para sa pagtatalaga ng rebultong ipinatayo ni Haring Nebucadnezar. Tumayo silang lahat sa harapan nito.

4At sumigaw ang tagapagbalita, “Kayong mga nanggaling sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika,

5kapag narinig ninyo ang tunog ng tambuli, plauta, kudyapi, alpa, at iba pang mga instrumento, lumuhod kayo agad at sumamba sa rebultong itinayo ni Haring Nebucadnezar.

6Ang sinumang hindi sumamba ay agad na itatapon sa naglalagablab na hurno.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.