Daniel 4

“Nabagabag at natakot si Daniel (na tinatawag ding Beltesazar) nang marinig niya ito. Kaya sinabi sa kanya ng hari, ‘Beltesazar, huwag kang mabagabag sa panaginip ko at sa kahulugan nito.’ “Sumagot si Beltesazar, ‘Mahal na Hari, sana po ang inyong panaginip at ang kahulugan nito ay sa inyong mga kaaway mangyari at hindi sa inyo.

Daniel 4:19 (UKJV) Then Daniel, whose name was Belteshazzar, was astonished for one hour, and his thoughts troubled him. The king spoke, and said, Belteshazzar, let not the dream, or the interpretation thereof, trouble you. Belteshazzar answered and said, My lord, the dream be to them that hate you, and the interpretation thereof to yours enemies.

17“ ‘Ito ang hatol na sinabi ng anghel upang malaman ng lahat na ang Kataas-taasang Diyos ang siyang may kapangyarihan sa kaharian ng mga tao. At maaari niyang ipasakop ang mga ito kahit kanino niya gustuhin, kahit na sa pinakaabang tao.

18“ ‘Akong si Nebucadnezar ay nanaginip nang ganito, Beltesazar. Sabihin mo sa akin ang kahulugan nito dahil wala ni isa man sa mga marunong sa aking kaharian ang makapagpaliwanag sa akin ng kahulugan nito. Ngunit maipapaliwanag mo ito sapagkat nasa iyo ang espiritu ng mga diyos.’

19“Nabagabag at natakot si Daniel (na tinatawag ding Beltesazar) nang marinig niya ito. Kaya sinabi sa kanya ng hari, ‘Beltesazar, huwag kang mabagabag sa panaginip ko at sa kahulugan nito.’ “Sumagot si Beltesazar, ‘Mahal na Hari, sana po ang inyong panaginip at ang kahulugan nito ay sa inyong mga kaaway mangyari at hindi sa inyo.

20Ang napanaginipan ninyong punongkahoy na lumaki at tumaas hanggang langit na kitang-kita sa buong mundo,

21na may mayayabong na dahon at maraming bunga na maaaring kainin ng lahat, sinisilungan ng mga hayop at pinamumugaran ng mga ibon ang mga sanga,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.