8Lumapit ang mga marurunong upang basahin ang nakasulat sa dingding. Ngunit hindi nila kayang basahin o ipaliwanag sa hari ang kahulugan nito.
9Kaya lalong natakot at namutla si Haring Belshazar. Litong-lito naman ang isip ng kanyang mararangal na mga panauhin.
10Nang marinig ng reyna ang kanilang pagkakagulo, lumapit siya sa kanila at sinabi, “Mabuhay ang Mahal na Hari! Huwag kang matakot o mag-alala,
11dahil sa iyong kaharian ay may isang taong kinasihan ng espiritu ng mga banal na diyos. Noong panahon ng iyong amang si Haring Nebucadnezar, ang taong ito ay nagpamalas ng kanyang karunungan tulad sa karunungan ng mga diyos. Ginawa siya ng iyong ama na pinuno ng mga salamangkero, engkantador, manghuhula, at mga astrologo.
12Siya ay si Daniel na pinangalanan ng hari na Beltesazar. May pambihira siyang kakayahan at karunungan. Marunong siyang magbigay-kahulugan sa mga panaginip, magpaliwanag ng mga bugtong, at lumutas ng mahihirap na mga problema. Kaya ipatawag mo siya at ipapaliwanag niya ang kahulugan ng nakasulat na iyon sa dingding.”