Daniel 5

Lumapit ang mga marurunong upang basahin ang nakasulat sa dingding. Ngunit hindi nila kayang basahin o ipaliwanag sa hari ang kahulugan nito.

Daniel 5:8 (UKJV) Then came in all the king's wise men: but they could not read the writing, nor make known to the king the interpretation thereof.

6Dahil dito, nanginig at namutla ang hari sa tindi ng takot.

7Kaya sumigaw siya na ipatawag ang marurunong sa Babilonia: ang mga salamangkero, mga astrologo, at mga manghuhula. Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang makabasa ng nakasulat na iyan at makapagpaliwanag ng kahulugan ay bibihisan ko ng maharlikang damit at pasusuotan ko ng gintong kuwintas. At siyaʼy magiging pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian.”

8Lumapit ang mga marurunong upang basahin ang nakasulat sa dingding. Ngunit hindi nila kayang basahin o ipaliwanag sa hari ang kahulugan nito.

9Kaya lalong natakot at namutla si Haring Belshazar. Litong-lito naman ang isip ng kanyang mararangal na mga panauhin.

10Nang marinig ng reyna ang kanilang pagkakagulo, lumapit siya sa kanila at sinabi, “Mabuhay ang Mahal na Hari! Huwag kang matakot o mag-alala,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.