Daniel 5

Kaya sumigaw siya na ipatawag ang marurunong sa Babilonia: ang mga salamangkero, mga astrologo, at mga manghuhula. Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang makabasa ng nakasulat na iyan at makapagpaliwanag ng kahulugan ay bibihisan ko ng maharlikang damit at pasusuotan ko ng gintong kuwintas. At siyaʼy magiging pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian.”

Daniel 5:7 (UKJV) The king cried aloud to bring in the astrologers, the Chaldeans, and the soothsayers. And the king spoke, and said to the wise men of Babylon, Whosoever shall read this writing, and show me the interpretation thereof, shall be clothed with scarlet, and have a chain of gold about his neck, and shall be the third ruler in the kingdom.

5Walang anu-anoʼy may nakitang kamay ang hari na sumusulat sa dingding ng palasyo malapit sa ilawan.

6Dahil dito, nanginig at namutla ang hari sa tindi ng takot.

7Kaya sumigaw siya na ipatawag ang marurunong sa Babilonia: ang mga salamangkero, mga astrologo, at mga manghuhula. Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang makabasa ng nakasulat na iyan at makapagpaliwanag ng kahulugan ay bibihisan ko ng maharlikang damit at pasusuotan ko ng gintong kuwintas. At siyaʼy magiging pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian.”

8Lumapit ang mga marurunong upang basahin ang nakasulat sa dingding. Ngunit hindi nila kayang basahin o ipaliwanag sa hari ang kahulugan nito.

9Kaya lalong natakot at namutla si Haring Belshazar. Litong-lito naman ang isip ng kanyang mararangal na mga panauhin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.