4At habang silaʼy nag-iinuman, pinuri nila ang kanilang mga diyos na gawa sa ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato.
5Walang anu-anoʼy may nakitang kamay ang hari na sumusulat sa dingding ng palasyo malapit sa ilawan.
6Dahil dito, nanginig at namutla ang hari sa tindi ng takot.
7Kaya sumigaw siya na ipatawag ang marurunong sa Babilonia: ang mga salamangkero, mga astrologo, at mga manghuhula. Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang makabasa ng nakasulat na iyan at makapagpaliwanag ng kahulugan ay bibihisan ko ng maharlikang damit at pasusuotan ko ng gintong kuwintas. At siyaʼy magiging pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian.”
8Lumapit ang mga marurunong upang basahin ang nakasulat sa dingding. Ngunit hindi nila kayang basahin o ipaliwanag sa hari ang kahulugan nito.