9Pumayag si Haring Dario, kaya nilagdaan niya ang kautusang iyon.
10Nang malaman ni Daniel na lumagda ang hari, umuwi siya at pumunta sa kanyang silid na nasa itaas na bahagi ng bahay, kung saan nakabukas ang bintana na nakaharap sa Jerusalem. Doon lumuhod siya, nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos, tatlong beses sa isang araw, ayon sa kanyang nakaugalian.
11Ngunit sinusubaybayan pala siya ng mga opisyal na kumakalaban sa kanya, at nakita nilang nananalangin at nagpupuri si Daniel sa kanyang Diyos.
12Kaya pumunta sila sa hari at sinabi ang paglabag ni Daniel sa kautusan. Sinabi nila sa hari, “Mahal na Hari, hindi baʼt lumagda kayo ng kautusan na sa loob ng tatlumpung araw ay walang mananalangin sa alinmang diyos o tao maliban sa inyo? At ang sinumang lumabag sa kautusang iyon ay ihuhulog sa kulungan ng mga leon?” Sumagot ang hari, “Totoo iyon, at hindi na iyon mababago o mapapawalang-bisa ayon sa kautusan ng ating kahariang Media at Persia.”
13Sinabi nila sa hari, “Si Daniel na isa sa mga bihag mula sa Juda ay hindi sumusunod sa inyong utos. Nananalangin siya sa kanyang Diyos ng tatlong beses sa isang araw.”