Daniel 9

Noong unang taon ng paghahari niya, akong si Daniel, ay naintindihan mula sa mga Kasulatan na mananatiling giba ang Jerusalem sa loob ng pitumpung taon, ayon sa sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias.

Daniel 9:2 (UKJV) In the first year of his reign I Daniel understood by books the number of the years, whereof the word of the LORD came to Jeremiah the prophet, that he would accomplish seventy years in the desolations of Jerusalem.

1Si Dario na taga-Media na anak ni Asuero ang hari noon sa buong Babilonia.

2Noong unang taon ng paghahari niya, akong si Daniel, ay naintindihan mula sa mga Kasulatan na mananatiling giba ang Jerusalem sa loob ng pitumpung taon, ayon sa sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias.

3Dahil dito, lumapit ako sa Panginoong Diyos at nanalangin. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo.

4Nanalangin ako sa Panginoon na aking Diyos at humingi ng tawad: “Panginoon, kayo ay makapangyarihan at kahanga-hangang Diyos. Tapat po kayo sa pagtupad ng inyong pangako na mamahalin nʼyo ang mga nagmamahal sa inyo at sumusunod sa inyong mga utos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.