1Si Dario na taga-Media na anak ni Asuero ang hari noon sa buong Babilonia.
2Noong unang taon ng paghahari niya, akong si Daniel, ay naintindihan mula sa mga Kasulatan na mananatiling giba ang Jerusalem sa loob ng pitumpung taon, ayon sa sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias.
3Dahil dito, lumapit ako sa Panginoong Diyos at nanalangin. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo.
4Nanalangin ako sa Panginoon na aking Diyos at humingi ng tawad: “Panginoon, kayo ay makapangyarihan at kahanga-hangang Diyos. Tapat po kayo sa pagtupad ng inyong pangako na mamahalin nʼyo ang mga nagmamahal sa inyo at sumusunod sa inyong mga utos.
5Nagkasala kami sa inyo. Gumawa kami ng kasamaan at sumuway sa inyong mga utos at tuntunin.