Deuteronomio 1

Nang panahong iyon, iniutos ko sa inyong mga hukom, “Mamagitan kayo sa mga alitang idinudulog sa inyo ng mga tao, at humatol nang makatarungan, hindi lang sa mga Israelita kundi pati na rin sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.

Deuteronomy 1:16 (UKJV) And I charged your judges at that time, saying, Hear the causes between your brethren, and judge righteously between every man and his brother, and the stranger that is with him.

14Sumagot kayo, “Maganda ang sinabi mo.”

15Kaya pinamahala ko sa inyo, bilang mga hukom at mga opisyal, ang mga taong marunong at iginagalang na mula sa inyong lahi. Ang ibaʼy responsable sa isang libong tao, ang ibaʼy sa isang daan, ang ibaʼy sa limampu, at ang ibaʼy sa sampu.

16Nang panahong iyon, iniutos ko sa inyong mga hukom, “Mamagitan kayo sa mga alitang idinudulog sa inyo ng mga tao, at humatol nang makatarungan, hindi lang sa mga Israelita kundi pati na rin sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.

17Wala dapat kayong papanigan sa inyong paghatol; parehas ninyong pakinggan ang mga mahihirap at mayayaman. Huwag kayong matatakot kahit kanino, dahil galing sa Diyos ang mga desisyong ginagawa ninyo. Kung mahirap para sa inyo ang kaso, dalhin ninyo ito sa akin at ako na ang bahala sa paghatol nito.”

18At sinabi ko rin sa inyo noon ang lahat ng dapat ninyong gawin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.