Deuteronomio 1

Sumagot kayo, “Maganda ang sinabi mo.”

Deuteronomy 1:14 (UKJV) And all of you answered me, and said, The thing which you have spoken is good for us to do.

12Ngunit paano ko aayusing mag-isa ang inyong mga away at problema?

13Kaya pumili kayo sa bawat lahi ninyo ng mga taong marunong, maunawain at iginagalang, at pamamahalain ko sila sa inyo.”

14Sumagot kayo, “Maganda ang sinabi mo.”

15Kaya pinamahala ko sa inyo, bilang mga hukom at mga opisyal, ang mga taong marunong at iginagalang na mula sa inyong lahi. Ang ibaʼy responsable sa isang libong tao, ang ibaʼy sa isang daan, ang ibaʼy sa limampu, at ang ibaʼy sa sampu.

16Nang panahong iyon, iniutos ko sa inyong mga hukom, “Mamagitan kayo sa mga alitang idinudulog sa inyo ng mga tao, at humatol nang makatarungan, hindi lang sa mga Israelita kundi pati na rin sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.