Deuteronomio 1

Kaya pumili kayo sa bawat lahi ninyo ng mga taong marunong, maunawain at iginagalang, at pamamahalain ko sila sa inyo.”

Deuteronomy 1:13 (UKJV) Take you wise men, and understanding, and known among your tribes, and I will make them rulers over you.

11Paramihin nawa kayo ng Panginoon na siyang Diyos ng inyong mga ninuno, at pagpalain kayo ayon sa kanyang pangako.

12Ngunit paano ko aayusing mag-isa ang inyong mga away at problema?

13Kaya pumili kayo sa bawat lahi ninyo ng mga taong marunong, maunawain at iginagalang, at pamamahalain ko sila sa inyo.”

14Sumagot kayo, “Maganda ang sinabi mo.”

15Kaya pinamahala ko sa inyo, bilang mga hukom at mga opisyal, ang mga taong marunong at iginagalang na mula sa inyong lahi. Ang ibaʼy responsable sa isang libong tao, ang ibaʼy sa isang daan, ang ibaʼy sa limampu, at ang ibaʼy sa sampu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.