9Nang panahong iyon, sinabi ko sa inyo, “Hindi ko kayo kayang pamunuan nang mag-isa.
10Pinarami kayo ng Panginoon na inyong Diyos. At ngayon, kasindami na kayo ng mga bituin sa langit.
11Paramihin nawa kayo ng Panginoon na siyang Diyos ng inyong mga ninuno, at pagpalain kayo ayon sa kanyang pangako.
12Ngunit paano ko aayusing mag-isa ang inyong mga away at problema?
13Kaya pumili kayo sa bawat lahi ninyo ng mga taong marunong, maunawain at iginagalang, at pamamahalain ko sila sa inyo.”