7kaya ipagpatuloy na ninyo ang inyong paglalakbay. Pumunta kayo sa kaburulan ng mga Amoreo at sa mga lugar sa palibot nito – sa Kapatagan ng Jordan, sa kabundukan, sa kaburulan sa kanluran, sa Negeb, at sa mga lugar sa tabing-dagat. Pumunta kayo sa lupain ng Canaan at sa Lebanon, hanggang sa malaking Ilog ng Eufrates.
8Ibinibigay ko ang mga lupaing ito sa inyo. Humayo na kayo at angkinin ang mga lugar na ito na ipinangako ko, ang Panginoon, sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob, at sa kanilang salinlahi.”
9Nang panahong iyon, sinabi ko sa inyo, “Hindi ko kayo kayang pamunuan nang mag-isa.
10Pinarami kayo ng Panginoon na inyong Diyos. At ngayon, kasindami na kayo ng mga bituin sa langit.
11Paramihin nawa kayo ng Panginoon na siyang Diyos ng inyong mga ninuno, at pagpalain kayo ayon sa kanyang pangako.