Deuteronomio 1

Ibinibigay ko ang mga lupaing ito sa inyo. Humayo na kayo at angkinin ang mga lugar na ito na ipinangako ko, ang Panginoon, sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob, at sa kanilang salinlahi.”

Deuteronomy 1:8 (UKJV) Behold, I have set the land before you: go in and possess the land which the LORD swore unto your fathers, Abraham, Isaac, and Jacob, to give unto them and to their seed after them.

6Noong naroon tayo sa Horeb, sinabi sa atin ng Panginoon na ating Diyos, “Matagal na kayong naninirahan sa bundok na ito,

7kaya ipagpatuloy na ninyo ang inyong paglalakbay. Pumunta kayo sa kaburulan ng mga Amoreo at sa mga lugar sa palibot nito – sa Kapatagan ng Jordan, sa kabundukan, sa kaburulan sa kanluran, sa Negeb, at sa mga lugar sa tabing-dagat. Pumunta kayo sa lupain ng Canaan at sa Lebanon, hanggang sa malaking Ilog ng Eufrates.

8Ibinibigay ko ang mga lupaing ito sa inyo. Humayo na kayo at angkinin ang mga lugar na ito na ipinangako ko, ang Panginoon, sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob, at sa kanilang salinlahi.”

9Nang panahong iyon, sinabi ko sa inyo, “Hindi ko kayo kayang pamunuan nang mag-isa.

10Pinarami kayo ng Panginoon na inyong Diyos. At ngayon, kasindami na kayo ng mga bituin sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.