Deuteronomio 1

kaya ipagpatuloy na ninyo ang inyong paglalakbay. Pumunta kayo sa kaburulan ng mga Amoreo at sa mga lugar sa palibot nito – sa Kapatagan ng Jordan, sa kabundukan, sa kaburulan sa kanluran, sa Negeb, at sa mga lugar sa tabing-dagat. Pumunta kayo sa lupain ng Canaan at sa Lebanon, hanggang sa malaking Ilog ng Eufrates.

Deuteronomy 1:7 (UKJV) Turn you, and take your journey, and go to the mount of the Amorites, and unto all the places nigh thereunto, in the plain, in the hills, and in the vale, and in the south, and by the sea side, to the land of the Canaanites, and unto Lebanon, unto the great river, the river Euphrates.

5Habang silaʼy nasa lupain ng Moab, doon sa silangan ng Jordan, sinimulang ipaliwanag ni Moises ang mga kautusan ng Panginoon:

6Noong naroon tayo sa Horeb, sinabi sa atin ng Panginoon na ating Diyos, “Matagal na kayong naninirahan sa bundok na ito,

7kaya ipagpatuloy na ninyo ang inyong paglalakbay. Pumunta kayo sa kaburulan ng mga Amoreo at sa mga lugar sa palibot nito – sa Kapatagan ng Jordan, sa kabundukan, sa kaburulan sa kanluran, sa Negeb, at sa mga lugar sa tabing-dagat. Pumunta kayo sa lupain ng Canaan at sa Lebanon, hanggang sa malaking Ilog ng Eufrates.

8Ibinibigay ko ang mga lupaing ito sa inyo. Humayo na kayo at angkinin ang mga lugar na ito na ipinangako ko, ang Panginoon, sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob, at sa kanilang salinlahi.”

9Nang panahong iyon, sinabi ko sa inyo, “Hindi ko kayo kayang pamunuan nang mag-isa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.