3Nang unang araw ng ikalabing-isang buwan, sa ika-apatnapung taon mula nang umalis ang mga Israelita sa Ehipto, sinabi sa kanila ni Moises ang lahat ng iniutos ng Panginoon na sabihin sa kanila.
4Nangyari ito matapos matalo ni Moises si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon, at si Haring Og ng Bashan na nakatira sa Astarot at Edrei.
5Habang silaʼy nasa lupain ng Moab, doon sa silangan ng Jordan, sinimulang ipaliwanag ni Moises ang mga kautusan ng Panginoon:
6Noong naroon tayo sa Horeb, sinabi sa atin ng Panginoon na ating Diyos, “Matagal na kayong naninirahan sa bundok na ito,
7kaya ipagpatuloy na ninyo ang inyong paglalakbay. Pumunta kayo sa kaburulan ng mga Amoreo at sa mga lugar sa palibot nito – sa Kapatagan ng Jordan, sa kabundukan, sa kaburulan sa kanluran, sa Negeb, at sa mga lugar sa tabing-dagat. Pumunta kayo sa lupain ng Canaan at sa Lebanon, hanggang sa malaking Ilog ng Eufrates.