Deuteronomio 1

Nangyari ito matapos matalo ni Moises si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon, at si Haring Og ng Bashan na nakatira sa Astarot at Edrei.

Deuteronomy 1:4 (UKJV) After he had slain Sihon the king of the Amorites, which dwelt in Heshbon, and Og the king of Bashan, which dwelt at Astaroth in Edrei:

2(Aabot ng labing-isang araw ang paglalakbay mula sa Bundok ng Sinai papunta sa Kades-barnea kung dadaan sa Bundok ng Seir.)

3Nang unang araw ng ikalabing-isang buwan, sa ika-apatnapung taon mula nang umalis ang mga Israelita sa Ehipto, sinabi sa kanila ni Moises ang lahat ng iniutos ng Panginoon na sabihin sa kanila.

4Nangyari ito matapos matalo ni Moises si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon, at si Haring Og ng Bashan na nakatira sa Astarot at Edrei.

5Habang silaʼy nasa lupain ng Moab, doon sa silangan ng Jordan, sinimulang ipaliwanag ni Moises ang mga kautusan ng Panginoon:

6Noong naroon tayo sa Horeb, sinabi sa atin ng Panginoon na ating Diyos, “Matagal na kayong naninirahan sa bundok na ito,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.