1Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga mensaheng sinabi ni Moises sa lahat ng Israelita noong naroon pa sila sa ilang, sa silangan ng Ilog Jordan. Nagkampo sila sa Kapatagan ng Jordan malapit sa Suf, sa gitna ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Dizahab.
2(Aabot ng labing-isang araw ang paglalakbay mula sa Bundok ng Sinai papunta sa Kades-barnea kung dadaan sa Bundok ng Seir.)
3Nang unang araw ng ikalabing-isang buwan, sa ika-apatnapung taon mula nang umalis ang mga Israelita sa Ehipto, sinabi sa kanila ni Moises ang lahat ng iniutos ng Panginoon na sabihin sa kanila.
4Nangyari ito matapos matalo ni Moises si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon, at si Haring Og ng Bashan na nakatira sa Astarot at Edrei.