Deuteronomio 10

Nang panahong iyon, sinabi sa akin ng Panginoon, “Tumapyas ka ng dalawang malalapad na bato kagaya noong una, at umakyat ka sa bundok papunta sa akin. Gumawa ka rin ng kahon na yari sa kahoy.

Deuteronomy 10:1 (UKJV) At that time the LORD said unto me, Hew you two tables of stone like unto the first, and come up unto me into the mount, and make you an ark of wood.

1Nang panahong iyon, sinabi sa akin ng Panginoon, “Tumapyas ka ng dalawang malalapad na bato kagaya noong una, at umakyat ka sa bundok papunta sa akin. Gumawa ka rin ng kahon na yari sa kahoy.

2Isusulat ko sa malalapad na bato ang mga salitang isinulat ko sa unang malalapad na bato na biniyak mo. At ilagay mo ito sa kahon.”

3Kaya gumawa ako ng kahon na yari sa akasya at ng dalawang malalapad na bato gaya noong una, at umakyat sa bundok dala ang dalawang malalapad na bato.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.