9Ito ang dahilan kung bakit walang bahagi o mana ang mga Levita sa lupain, hindi gaya ng ibang mga Israelita. Ang Panginoon ang bahagi nila ayon sa sinabi ng Panginoon na inyong Diyos.)
10Sinabi pa ni Moises, “Gaya ng ginawa ko noong una, nanatili ako sa bundok sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, at muli akong pinakinggan ng Panginoon at hindi niya kayo pinatay.
11Sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Lumakad ka at pamunuan ang mga Israelita sa pagpasok at sa pag-angkin sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa inyo at sa inyong mga ninuno.’ ”
12At ngayon, mga mamamayan ng Israel, ang hinihingi lang ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo ay magkaroon kayo ng takot sa kanya, mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, mahalin siya, maglingkod sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa,
13at sundin ang lahat ng mga utos at tuntunin ng Panginoon na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito para sa ikabubuti ninyo.