Deuteronomio 10

Ngunit pinili ng Panginoon ang inyong mga ninuno para mahalin, at sa lahat ng bansa kayo na mula sa kanilang lahi ang pinili niya hanggang ngayon.

Deuteronomy 10:15 (UKJV) Only the LORD had a delight in your fathers to love them, and he chose their seed after them, even you above all people, as it is this day.

13at sundin ang lahat ng mga utos at tuntunin ng Panginoon na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito para sa ikabubuti ninyo.

14Sa Panginoon na inyong Diyos ang langit, kahit ang pinakamataas na langit, pati ang mundo at lahat ng narito.

15Ngunit pinili ng Panginoon ang inyong mga ninuno para mahalin, at sa lahat ng bansa kayo na mula sa kanilang lahi ang pinili niya hanggang ngayon.

16Kaya baguhin ninyo ang mga puso ninyo at huwag nang patigasin ang mga ulo ninyo.

17Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon. Makapangyarihan siya at kamangha-manghang Diyos. Wala siyang pinapanigan at hindi siya tumatanggap ng suhol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.