14Sa Panginoon na inyong Diyos ang langit, kahit ang pinakamataas na langit, pati ang mundo at lahat ng narito.
15Ngunit pinili ng Panginoon ang inyong mga ninuno para mahalin, at sa lahat ng bansa kayo na mula sa kanilang lahi ang pinili niya hanggang ngayon.
16Kaya baguhin ninyo ang mga puso ninyo at huwag nang patigasin ang mga ulo ninyo.
17Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon. Makapangyarihan siya at kamangha-manghang Diyos. Wala siyang pinapanigan at hindi siya tumatanggap ng suhol.
18Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan sila ng pagkain at mga damit.