16Kaya baguhin ninyo ang mga puso ninyo at huwag nang patigasin ang mga ulo ninyo.
17Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon. Makapangyarihan siya at kamangha-manghang Diyos. Wala siyang pinapanigan at hindi siya tumatanggap ng suhol.
18Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan sila ng pagkain at mga damit.
19Kaya mahalin din ninyo ang mga dayuhan, dahil mga dayuhan din kayo noon sa Ehipto.
20Magkaroon kayo ng takot sa Panginoon na inyong Diyos at paglingkuran ninyo siya. Manatili kayo sa kanya at sumumpa kayo sa pangalan lang niya.