Deuteronomio 10

Magkaroon kayo ng takot sa Panginoon na inyong Diyos at paglingkuran ninyo siya. Manatili kayo sa kanya at sumumpa kayo sa pangalan lang niya.

Deuteronomy 10:20 (UKJV) You shall fear the LORD your God; him shall you serve, and to him shall you cleave, and swear by his name.

18Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan sila ng pagkain at mga damit.

19Kaya mahalin din ninyo ang mga dayuhan, dahil mga dayuhan din kayo noon sa Ehipto.

20Magkaroon kayo ng takot sa Panginoon na inyong Diyos at paglingkuran ninyo siya. Manatili kayo sa kanya at sumumpa kayo sa pangalan lang niya.

21Purihin ninyo siya, dahil siya ang Diyos ninyo na gumawa ng dakila at kamangha-manghang bagay na nakita ninyo.

22Nang dumating ang inyong mga ninuno sa Ehipto, pitumpu lang silang lahat, ngunit ngayon, pinadami na kayo ng Panginoon na inyong Diyos na katulad ng mga bituin sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.