20Magkaroon kayo ng takot sa Panginoon na inyong Diyos at paglingkuran ninyo siya. Manatili kayo sa kanya at sumumpa kayo sa pangalan lang niya.
21Purihin ninyo siya, dahil siya ang Diyos ninyo na gumawa ng dakila at kamangha-manghang bagay na nakita ninyo.
22Nang dumating ang inyong mga ninuno sa Ehipto, pitumpu lang silang lahat, ngunit ngayon, pinadami na kayo ng Panginoon na inyong Diyos na katulad ng mga bituin sa langit.