4Isinulat ng Panginoon sa dalawang malalapad na batong ito ang isinulat niya noong una, ang Sampung Utos na ibinigay niya sa inyo nang nagsalita siya mula sa apoy noong araw na nagtipon kayo sa bundok. Nang maibigay na ito ng Panginoon sa akin,
5bumaba ako sa bundok at inilagay ito sa kahong ginawa ko, ayon sa iniutos ng Panginoon, at hanggang ngayoʼy naroon pa ito.
6(Naglakbay ang mga Israelita mula sa balon ng mga taga-Jaacan papunta sa Mosera. Doon namatay si Aaron at doon din inilibing. At si Eleazar na anak niya ang pumalit sa kanya bilang punong pari.
7Mula doon, pumunta sila sa Gudgoda at sa Jotbata, isang lugar na may mga sapa.
8Nang panahong iyon, pinili ng Panginoon ang lahi ni Levi para sila ang magbuhat ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, para maglingkod sa kanyang harapan, at magbasbas sa mga tao sa kanyang pangalan. At hanggang ngayoʼy ganito ang gawain nila.