6(Naglakbay ang mga Israelita mula sa balon ng mga taga-Jaacan papunta sa Mosera. Doon namatay si Aaron at doon din inilibing. At si Eleazar na anak niya ang pumalit sa kanya bilang punong pari.
7Mula doon, pumunta sila sa Gudgoda at sa Jotbata, isang lugar na may mga sapa.
8Nang panahong iyon, pinili ng Panginoon ang lahi ni Levi para sila ang magbuhat ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, para maglingkod sa kanyang harapan, at magbasbas sa mga tao sa kanyang pangalan. At hanggang ngayoʼy ganito ang gawain nila.
9Ito ang dahilan kung bakit walang bahagi o mana ang mga Levita sa lupain, hindi gaya ng ibang mga Israelita. Ang Panginoon ang bahagi nila ayon sa sinabi ng Panginoon na inyong Diyos.)
10Sinabi pa ni Moises, “Gaya ng ginawa ko noong una, nanatili ako sa bundok sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, at muli akong pinakinggan ng Panginoon at hindi niya kayo pinatay.