30Ang mga bundok na ito ay nasa kanluran ng Kapatagan ng Jordan, sa lupain ng mga Cananeo na naninirahan sa Kapatagan ng Jordan malapit sa bayan ng Gilgal. Hindi ito malayo sa mga malalaking puno ng Moreh.
31Tatawid na kayo sa Jordan para pasukin at angkinin ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo. Kapag nakuha na ninyo ito at doon na kayo naninirahan,
32sundin ninyo ang lahat ng mga utos at tuntunin na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito.