Deuteronomio 12

Ito ang mga utos at tuntunin na dapat nʼyong sundin nang mabuti habang nabubuhay kayo dito sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno.

Deuteronomy 12:1 (UKJV) These are the statutes and judgments, which all of you shall observe to do in the land, which the LORD God of your fathers gives you to possess it, all the days that all of you live upon the earth.

1Ito ang mga utos at tuntunin na dapat nʼyong sundin nang mabuti habang nabubuhay kayo dito sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno.

2Kapag pinalayas na ninyo ang mga taong naninirahan doon, gibain ninyo ang lahat ng lugar na pinagsasambahan nila sa kanilang mga diyos-diyosan: sa matataas na mga bundok, sa mga kaburulan at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.

3Gibain din ninyo ang kanilang mga altar, durugin ang kanilang mga alaalang bato, sunugin ang mga posteng imahen ng kanilang diyosang si Ashera, at durugin ang imahen ng kanilang mga diyos para hindi na ito alalahanin pa sa mga lugar na iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.