Deuteronomio 12

Gibain din ninyo ang kanilang mga altar, durugin ang kanilang mga alaalang bato, sunugin ang mga posteng imahen ng kanilang diyosang si Ashera, at durugin ang imahen ng kanilang mga diyos para hindi na ito alalahanin pa sa mga lugar na iyon.

Deuteronomy 12:3 (UKJV) And all of you shall overthrow their altars, and break their pillars, and burn their groves with fire; and all of you shall hew down the graven images of their gods, and destroy the names of them out of that place.

1Ito ang mga utos at tuntunin na dapat nʼyong sundin nang mabuti habang nabubuhay kayo dito sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno.

2Kapag pinalayas na ninyo ang mga taong naninirahan doon, gibain ninyo ang lahat ng lugar na pinagsasambahan nila sa kanilang mga diyos-diyosan: sa matataas na mga bundok, sa mga kaburulan at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.

3Gibain din ninyo ang kanilang mga altar, durugin ang kanilang mga alaalang bato, sunugin ang mga posteng imahen ng kanilang diyosang si Ashera, at durugin ang imahen ng kanilang mga diyos para hindi na ito alalahanin pa sa mga lugar na iyon.

4Huwag ninyong sasambahin ang Panginoon na inyong Diyos na gaya ng paraan ng kanilang pagsamba,

5kundi hanapin ninyo ang lugar na pipiliin ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng teritoryo ng inyong mga tribo. Doon niya itatatag ang kanyang pangalan at mananahan, kaya doon dapat kayo pupunta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.