Deuteronomio 12

kundi hanapin ninyo ang lugar na pipiliin ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng teritoryo ng inyong mga tribo. Doon niya itatatag ang kanyang pangalan at mananahan, kaya doon dapat kayo pupunta.

Deuteronomy 12:5 (UKJV) But unto the place which the LORD your God shall choose out of all your tribes to put his name there, even unto his habitation shall all of you seek, and thither you shall come:

3Gibain din ninyo ang kanilang mga altar, durugin ang kanilang mga alaalang bato, sunugin ang mga posteng imahen ng kanilang diyosang si Ashera, at durugin ang imahen ng kanilang mga diyos para hindi na ito alalahanin pa sa mga lugar na iyon.

4Huwag ninyong sasambahin ang Panginoon na inyong Diyos na gaya ng paraan ng kanilang pagsamba,

5kundi hanapin ninyo ang lugar na pipiliin ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng teritoryo ng inyong mga tribo. Doon niya itatatag ang kanyang pangalan at mananahan, kaya doon dapat kayo pupunta.

6Doon kayo magdadala ng mga handog ninyo na sinusunog at iba pang mga handog, ang inyong mga ikapu at ang mga gusto ninyong ialay, ang handog para tuparin ang isang panata at ang mga kusang-loob na handog, gayon din ang panganay ng inyong mga alagang hayop at kawan.

7Doon kayo kumain at ang inyong pamilya sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos, at magsaya kayo sa lahat ng inyong nagawa dahil pinagpala kayo ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.